Kaka’ibang’ Buhay

Mayroong isang popular na video game na tinatangkilik ng mga tao ngayon na kumakatawan sa konsepto ng time travel at paggawa ng mga tamang desisyon. Ito ang larong Life is Strange.

maxresdefault (1).jpg

Imahen mula sa: [https://www.youtube.com/watch?v=r8afBwPobF8]


Ang Life is Strange ay isang third person adventure-story interactive game kung saan maaaring makipagsapalaran ang manlalaro sa mga bagay at mga non-playable characters sa laro na nakakapagbago sa kapaligiran at daloy ng kwento. Ang larong ito ay nakasentro kay Max Caulfield, isang photography student sa high school na nadiskubreng may kakayahan siyang ibalik ang oras. Dahil may abilidad na time travel ang manlalaro sa , maaaring niyang ibalik ang oras at ulitin ang isang gawain kung kanyang gugustuhin, o kaya’y baguhin ang kanyang unang ginawa. Dahit dito, ang bawat gawain niya ay makakaapekto sa mga susunod na pangyayari at sa magiging katapusan ng kwento. Ang larong ito ay sumasalamin sa konsepto ng Butterfly Effect na nagsasabing ang mga maliliit na pagbabago sa mga paunang kondisyon sa isang bagay ay magkakaroon ng malaking epekto sa hinaharap.

Dahil sa isa itong interactive game na makikisalamuha ang manlalaro sa ibang mga karakter sa kwento, makakaapekto rin ang bawat desisyon ng manlalaro sa mga magiging relasyon niya sa ibang mga karakter. Sa kabilang banda, maaaring galugarin ng manlalaro ang mga lugar sa kanyang paligid at makahanap ng mga items na may silbi sa kanya upang maiba ang kalalabasan ng mga aksyong ginawa.

Para sa trailer ng larong ito: I-click ang video sa ibaba. BABALA: Maraming balbal na salita sa larong ito. Ang video na ito ay nakalap mula sa Youtube: [https://www.youtube.com/watch?v=mpRhaXfvG_0]

 

 

Leave a comment